Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.
Siguro naman lahat tayo nagkaroon din ng crush pero pano nga ba kung ang crush mo ay crush ka din? Edi ang saya di ba? Happy Ending pag ganun. Heto ang kwento ng isang dalaga na itago nalang natin sa pangalang Jenny at si Kuya Crush na si Johnny. Si Jenny ay simpleng dalaga, mabait, maalam sa klase at tahimik lang. 3 rd year high school sya noon nang magtransfer sila sa province at doon na magpatuloy sa pag aaral. Mababait sa kanya ang mga kaklase nya kaya madali lang din syang nakapag adjust at nagkaroon ng mga kaibigan at ang iba doon ay mga pinsan nya. Dahil nga sa probinsya, halos magkakamag anak ang mga tao doon kaya di maiiwasang maging magkaklase kayo ng mga kamag anak mo. Pala ngiti at pala bati si Jenny kaya maraming nagkakagusto sa kanya, madali din syang lapitan kahit may pagkamahiyain. May mga nanliligaw sa kanya doon pero di nya sinasagot dahil priority nya ang pag aaral. Buwan ng Wika noon, bawat klase may mga representative para mag present sa stage. At ay...