Ung pangalawa kong karanasan ay noong nasa tindahan kami ng tyahin ko at biyernes santo noon. Alas sais na ng gabi nun tapos may bimili ng 1.5 coke, pinakuha sakin ng tyahin ko saloob ng bahay. Ung bahay kasi ng tyahin ko nilagyan nya lang ng partition ung tindahan kaya sa loob pa ung ref. Nakuha ko na ung coke at pabalik na ko sa tindahan ng mabaling ung tingin ko sa screen ng pintuan sa labas. Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nung may makita akong kulay itim na hugis tao na kumakaway sakin. Kinurap kurap ko ung mata ko, pero nandun pa rin ung parang anino na kumakaway. Imposible naman na anino un ng tao dahil di naman tatayo ung anino kung galling sa poste ang liwanag. Parang biglang lumaki ang ulo ko at napatitig nalang ako dun sa bagay na kumakaway sakin. Maya-maya tinawag na ko ng tyahin ko kasi nag aantay ung costumer. Sinabi ko nalang na wala ng malamig, okay lang ba na hindi malamig ung soft drinks. Tapos parang di ako narinig ng tyahin ko, bigla syang lumabas sa tindahan. Nakita nya ko na may hawak na bote ng soft drinks, pinagalitan nya lang ako dahil ang bagal-bagal ko daw, di na ko nag salita at tiningnan ko ule ung screen ng pintuan. Wala na ung maitim na parang anino, nakahinga na ko ng maluwang. Ayun, di ko nanaman kinuwento sa tyahin ko baka sabihin nya guniguni ko lang.
Kayo ba? May ganitong karanasan rin? Share nyo naman!
Comments
Post a Comment