Skip to main content

Malikmata

  Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.

Flower base ni Teacher

 

Grade 6 ako noon at malapit na ang graduation day, wala na ganong klase dahil busy ang mga teacher sa pag aasikaso ng graduation kaya pinababayaan na kami na maglaro at makipagkwentuhan.I

sang hapon mga alas tres na yata noon di pa nag start ung practice ng graduation, nakatayo kami ng kaklase ko sa gilid ng pisara dun kasi nakapwesto ung cr. Habang nag aantay kami na lumabas sa cr ung isa namin kaklase may nakita akong batang lalaki na tumakbo papunta sa table ng teacher namin tapos hinulog nya ung flower base saka tumakbo ule palabas. Nagulat lang kami, lalo  ung teacher namin na nakaupo sa gilid ng table tapos ung isa namin classmate biglang tumakbo.

Nasabi ko nalang, "ang bilis tumakbo nung bata" napatingin ung isa kong classmate nasabi nya nalang "nakita mo rin un".

Nagtaka ung teacher namin,  wala naman daw bata na tumakbo kusa lang nalaglag ung flower base baka sa lakas lang ng hangin...

Comments

Popular posts from this blog

Malikmata

  Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.

Fiesta Sa Purok

  Fiesta sa Purok namin noon sa probinsya, masaya ung mga kabitbahay at bawat bahay may mga handa. Tuwing fiesta sa purok namin nagtitipon lahat ng mga tao at nagbabahagi ng handa. Nung nandun na kami sa lugar ng handaan nakalimutan namin magdala ng mga plato kaya inutusan ako ni mama, masaya ang mga kapitbahay at may padisco pa sila. Di naman ganon kalayo ung bahay namin sa lugar ng kasiyahan pero madilim kasi at nataon na wala akong dala na flashlight. Mapuno ung lugar namin kaya medyo nakakatakot din. Sa paglalakad ko, nahagip ng tingin ko ung isang babae na nakatayo sa gilid ng puno.  Naisip ko na baka may inaantay lang sya, nilingon ko sya nakita ko na nakabistida sya sobrang puti at ang haba ng buhok nya. Bigla akong natulala ng makita ko na wala syang paa at mukha. Napalakad ako pabalik sa pinanggalingan ko, kunwaring walang nangyari. Ayun! Napagalitan lang ako ni mama ng makita nya na wala akong dala, di ko na kinuwento ung nakita ko. Sinabi ko nalang na sobrang dil...

Kandila

Ibahagi ko lang ito, kwento ng aking ama nung kabataan nya pa… Tuwing mag uundas, uso ang mga takutan at pagsusuot ng mga nakakatakot na kasuotan na impluwensya ng mga banyaga noong nasakop ang ating bansa na naging tradisyon na tuwing sasapit ang undas. May mga kompetisyon ng mga nakakatakot na kasuotan mula sa mga bata hanggang sa matatanda, pati mga palabas na nakakatakot at marami pang iba. Kwento ng Ama ko noong kabataan nya sa probinsya, meron daw syang pinsan na matalik nya ring kaibigan. Lagi silang magkasama lalo na sa mga kalokohan. Tuwing sasapit ang undas, di mawawala ung pananakot nila sa mga kabaryo nila, syempre di lang naman sila ung mahilig manakot roon. Sa isang mahabang kalsada na napapaligiran ng mga palayan at mga punong kahoy doon nila ginagawa ang pananakot. Naghahanda sila ng mga kandila at bao ng niyog na kinokortihan nila ng mata. Kapag sumapit na ang gabi mag aabang na sila ng mapapadaan doon at kung may matatanaw silang dadaan ay sinisindihan nila ang ...