Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung
namamalikmata lang ako nung time na yon.
Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata
nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr,
pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at
makapunta sa cr.
Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang
naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo
doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung
sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager
namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya
at di sya nag punta sa conference room.
Comments
Post a Comment