Skip to main content

Malikmata

  Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.

Sa Bahay ni Auntie Part 3

 

Ikatlong karanasan, may alaga nang aso at mga pusa ung tyahin ko nung time na ito. Tuwing madaling araw nag iingay ung mga aso’t pusa, parang may tinatahulan sila na di nakikita. Isang araw naiwan kami nung aso sa tindahan, lumabas kasi tyahin ko para makipag kwentuhan sa kapit bahay. Mag alas tres ng hapon, wala pang mga costumer kaya siesta lang ako. Nakikinig lang ako ng music habang kumakain ng chichirya. Maya-maya nagulat ako, bigla nalang kasi gumalaw ung handle ng maliit cabinet na pinaglalagyan ng kita sa tindahan. Nagtaka lang ako at parang nagloading pa ako habang nakatingin sa gumagalaw na handle ng cabinet. Napasabi nalang ako na “imposible naman na hinangin un”, hinawakan ko ung handle saka hinatak ko ung cabinet pero wala naman lubid or makina na nagpapagalaw dun kaya binalik ko na ule sa kinalalagyan, maya-maya kusa nanaman gumalaw iyon kaya kinilabutan na ko tapos sinipa ko ung cabinet kung titigil bai yon pero wala, gumalagaw pa rin. Kaya ayun, tumakbo ako palabas ng tindahan. Ung aso naman naming sa labas tahol naman ng tahol sa harap ng pinto, parang may nakitang kung ano. Natakot talaga ako noon, buti nalang at walang bumili noon kasi di talaga ako papasok ng tindahan.. hahaha Inantay ko nalang muna pumasok tyahin ko bago ako bumalik sa tindahan. 

At syempre, di ko pa rin kinuwento ito sa tyahin ko. Wala naman daw kasing nagpaparamdam sa kanya doon…

Comments

Popular posts from this blog

Ang Babae sa CR

1st year college kami noon, at unang linggo palang ng klase. Wala pa ung professor namin kaya naisipan namin na mag cr muna ng kaibigan ko, alas sais na ng gabi nun. madilim na at ung klase namin ay nasa 4th floor old bldg pa. may cr naman kada floor kaya okay lang dahil malapit lang din sa room namin. habang naglalakad kami ng kaibigan ko sa coridor, bigla nalang may isang babaeng student na tumakbo sa pagitan namin. ang lakas ng lakas ng pagkakabangga nya samin, napahampas ako sa pader buti nalang tapos ung kaibigan ko muntik ng madapa. sinundan namin ng tingin ung babae, pumasok sya sa cr tapos padabog nyang sinara ung pinto. nainis kaming dalawa ng kaibigan ko kasi di naman nag sorry, iniwan nya lang kami. Tapos naglakad na kami papunta sa cr, binuksan ko ung pinto at nauna akong pumasok tapos sumunod din ung kaibigan ko. Napatingin ako sa salamin, nakita ko na bukas naman ung mga pinto sa cubicle. Naisipan ko na silipin isa-isa baka nagtago lang ung babae na bumangga samin. Medyo ...

Fiesta Sa Purok

  Fiesta sa Purok namin noon sa probinsya, masaya ung mga kabitbahay at bawat bahay may mga handa. Tuwing fiesta sa purok namin nagtitipon lahat ng mga tao at nagbabahagi ng handa. Nung nandun na kami sa lugar ng handaan nakalimutan namin magdala ng mga plato kaya inutusan ako ni mama, masaya ang mga kapitbahay at may padisco pa sila. Di naman ganon kalayo ung bahay namin sa lugar ng kasiyahan pero madilim kasi at nataon na wala akong dala na flashlight. Mapuno ung lugar namin kaya medyo nakakatakot din. Sa paglalakad ko, nahagip ng tingin ko ung isang babae na nakatayo sa gilid ng puno.  Naisip ko na baka may inaantay lang sya, nilingon ko sya nakita ko na nakabistida sya sobrang puti at ang haba ng buhok nya. Bigla akong natulala ng makita ko na wala syang paa at mukha. Napalakad ako pabalik sa pinanggalingan ko, kunwaring walang nangyari. Ayun! Napagalitan lang ako ni mama ng makita nya na wala akong dala, di ko na kinuwento ung nakita ko. Sinabi ko nalang na sobrang dil...

Flower base ni Teacher

  Grade 6 ako noon at malapit na ang graduation day, wala na ganong klase dahil busy ang mga teacher sa pag aasikaso ng graduation kaya pinababayaan na kami na maglaro at makipagkwentuhan.I sang hapon mga alas tres na yata noon di pa nag start ung practice ng graduation, nakatayo kami ng kaklase ko sa gilid ng pisara dun kasi nakapwesto ung cr. Habang nag aantay kami na lumabas sa cr ung isa namin kaklase may nakita akong batang lalaki na tumakbo papunta sa table ng teacher namin tapos hinulog nya ung flower base saka tumakbo ule palabas. Nagulat lang kami, lalo   ung teacher namin na nakaupo sa gilid ng table tapos ung isa namin classmate biglang tumakbo. Nasabi ko nalang, "ang bilis tumakbo nung bata" napatingin ung isa kong classmate nasabi nya nalang "nakita mo rin un". Nagtaka ung teacher namin,   wala naman daw bata na tumakbo kusa lang nalaglag ung flower base baka sa lakas lang ng hangin...