Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.
Alas singko na ng hapon, tapos na ang klase at naghahanda na kami sa pag uwi. Masaya kaming nagkukwentuhan ng mga barkada ko habang naglalakad papunta sa sakayan. Di namin namalayan na palubog na ang araw at di pa rin kami nakakasakay.
3rd year high school ako noon, nung nagtransfer ako sa province at dun na kami nanirahan. Mahirap talaga makasakay dun.
Ayun na nga, mag 7pm na yata kami nakasakay ng tricycle nun tapos maglalakad pa ko ng halos 30-45mins bago makarating samin simula sa highway. Dahil sa may highway lang naman malapit ung bahay ng mga barkada ko, ako nalang naiwan sa paglalakad. Nung nasa kalagitnaan na ko ng daan, di ko alam bakit parang masyadong madilim ang paligid kahit na bilog nabilog ang buwan noon. Bigla akong nakaramdam ng kaba noon kasi mag isa lang ako sa paglalakad, binilisan ko nalang ang hakbang. Parang nakakabingi ung katahimikan, habag ng mga paa ko lang ang naririnig ko. Habang naglalakad, natanaw ko sa di kalayuan ung liwanag ng ilaw sa poste at may taong nakatayo dun. Nakahinga ako ng maluwang. Maya maya may narinig akong mga kaluskos mula sa taas ng mga puno na nadadaanan ko. Kinabahan ako, hindi naman mahangin pero ung ibabaw parte lang ng puno ang gumagalaw. Binilisan ko ang paglalakad, halos nananakbo na ko. Naisip ko, kanina pa ko naglalakad bakit di ko marating ung poste ng ilaw. Natatakot na ko noon, biglang parang dumilim ang paligid. Wala akong makita kundi kadiliman lang, naiiyak na ko. Maya maya may narinig akong mga yabag, nilingon ko ang likuran ko pero walang tao. Napadasal ako sa takot ko habang naglalakad sa kadiliman na parang walang katapusan. Maya maya nagulat ako ng may mabangga ako, halos mapaiyak na ko ng makita ko ung kapitbahay namin kasama ung mga kasamahan nya pangingisda at kinilabutan ako ng makita ko na nasa tapat na ako ng poste ng ilaw..

Comments
Post a Comment