Skip to main content

Malikmata

  Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.

‘Yung Crush ka ng Crush Mo

 

Siguro naman lahat tayo nagkaroon din ng crush pero pano nga ba kung ang crush mo ay crush ka din? Edi ang saya di ba? Happy Ending pag ganun.

Heto ang kwento ng isang dalaga na itago nalang natin sa pangalang Jenny at si Kuya Crush na si Johnny.

Si Jenny ay simpleng dalaga, mabait, maalam sa klase at tahimik lang. 3rd year high school sya noon nang magtransfer sila sa province at doon na magpatuloy sa pag aaral. Mababait sa kanya ang mga kaklase nya kaya madali lang din syang nakapag adjust at nagkaroon ng mga kaibigan at ang iba doon ay mga pinsan nya. Dahil nga sa probinsya, halos magkakamag anak ang mga tao doon kaya di maiiwasang maging magkaklase kayo ng mga kamag anak mo. Pala ngiti at pala bati si Jenny kaya maraming nagkakagusto sa kanya, madali din syang lapitan kahit may pagkamahiyain. May mga nanliligaw sa kanya doon pero di nya sinasagot dahil priority nya ang pag aaral.

Buwan ng Wika noon, bawat klase may mga representative para mag present sa stage. At ayun na nga, si Johnny ay kumanta noon habang nag gigitara. Parang natulala si Jenny habang nanonood sa performance ni Johnny, ang galing nya kasi kumanta at tumogtug ng gitara. Ang ibang mga estudyante ay napapatili sa galling nito kaya lalong humanga si Jenny.

Kilala na noon ni Jenny si Jonny dahil boyfriend sya ng kaibigan nya at magkatabi lang ung classroom nila. Laging pumupunta si Johnny sa classroom nila para makasama ang kaibigan nya, binabati din sya nito palagi pag nagkakasalubong or nakikita sya. Hangang hanga si Jenny sa kanya kasi nga gwapo, matangkad, matalino, mabait, magaling kumanta, varsity rin ng volley ball sa school at magaling tumugtog ng gitara kaya nga lang may girlfriend na at ung kaibigan nya pa. (sad) Ganoon din ang kaibigan nya, maganda, matalino, matangkad, mabait, at magaling din kumanta para nga silang match made in heaven, Masaya naman si Jenny dahil nakikita nya ung kaibigan nya na masaya kaya ung pag hanga nya kay Johnny ay hanggang doon nalang at ibinaling nalang nya sa pag aaral ang nararamdaman nya bago pa lumalim ito.

At lumipas ang mga araw, naging masaya ang pag aaral ni Jenny sa probinsya dahil kwela at mababait ang mga taong nakapaligid sa kanya at supportive ang mga kaibigan nya sa mga bagay na gusto nyang maachive. Isang araw, nakita nya ung kaibigan nya na umiiyak. Tinanong nya kung bakit, sinabi lang sa kanya na nalaman na ng mga magulang nila na may boyfriend na sya at pinagbreak sila kaya niyakap nya ito. Istrikto kasi ung mga magulang ng kaibigan nya, pinapili sya kung mag aaral o mag boboyfriend nalang kaya ayun nakipag break sya. Nag uusap pa rin naman sila pero paunti unti nakapag move on na rin. Nakakalungkot lang din isipin na saglit lang ung love story nila.

Lumipas na ang mga araw at buwan, 4th year high school na sila noon at malapit na ang graduation. Si Jenny at Johnny ay nakuha na maging representative sa school activities nila kasama ung ibang year level. Limang araw din sila magkakasama noon, parang may ibang pakiramdam si Jenny na parang laging may nakatingin sa kanya. Noong una di nya lang pinapansin, kaya lang di na nya natiis kaya nilingon na nya iyon. Nahuli nya si Johnny na nakatitig sa kanya ata ngumiti lang ito sa kanya. Nung gabi, katatapos lang nila kumain at di sya makatulog kaya naisipan nya na lumabas muna para maglakad lakad. Maliwanag naman sa paligid dahil sa street light. Sa di kalayuan nakita nya si Johnny na naglalakad lakad din, babalik na sana sya sa quarter kaya lang tinawag sya nito at niyaya na maglakad lakad silang dalawa. Nang nakabalik na sa quarter napaisip si Jenny, “masarap palang kausap si Johnny, may humor ang mga sinasabi nya at palabiro din”.

Noong natapos na ang school activities ay pumasok na ule sila sa school, simula noon lagi nang binabati ni Johnny si Jenny at sinasabayan sa pag uwi. Nag close na ung dalawa, okay lang naman sa kaibigan nya na ganoon dahil nakamove on na kay Johnny. Lagi silang tinukso noon pero di naman minamasama ni Jenny bagkus ay sinasakyan nya lang. Unti-unti ng nahuhulog ang loob ni Jenny kay Johnny dahil napakabait nito sa kanya at minsan ay tinutugtugan pa sya ng gitara.

Araw na ng graduation, pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Jenny. Masaya sya kasi gagraduate na sya pero malungkot dahil magkakahiwahiwalay na silang magkakaibigan. Nang matapos na ang graduation, pinuntahan sya ni Johnny at binigyan ng singsing. Nagulat si Jenny, sabi ni Johnny “matagal na kitang gusto pero natatakot ako na baka layuan mo ko dahil ex ko ang kaibigan mo, pwd ba ako manligaw?” binigay nya ang singsing kay Jenny at tumungo sa nanay nito. Nagpaalam si Johnny sa nanay ni Jenny na manliligaw sya, pumayag naman ito kaya laking tuwa ni Johnny at niyakap si Jenny. Kinabukasan, nagkita kita silang magkakaklase kasama si Johnny para magsimba at magpasalamat dahil nakagraduate na sila ng high school. At sa pag uwi ay hinatid ni Johnny si Jenny.

Ilang araw ang nakalipas, nabalitaan ni Jenny na nasa Cebu na si Johnny dahil nagkasakit ang kapatid nito kaya doon na rin sya mag aaral ng college. Nalungkot si Jenny dahil di man lang ito nakapag paalam sa kanya. Lumuwas si Jenny ng Manila dahil paaralin daw sya ng kanyang tiyahin.

Lumipas ang isang taon, may facebook na noon. Nagulat si Jenny ng may mag friend request sa kanya, si Johnny. Prang naluluha sya noon sa kasiyahan, in-add nya si Johnny at nag message sa kanya ito agad. Nag kamustahan sila, natanong ni Johnny kung may boyfriend na ba sya sabi naman ni Jenny ay wala. Nasabi ni Johnny,”hinihintay mob a ako?”, sagot ni Jenny,”hahaha pwde rin 😉”, Johnny “nasayo pa ba ung singsing? nasan ka ba ngayon? Magkita naman tayo hanggang di pa ko nakaakyat sa barko para mag ojt”, sabi lang ni Jenny “oo, nasa akin pa. di ako pwd makipag kita, di kasi ako papayagan strikta ung tyahin ko. Pano kaya ito?” nasabi nalang ni Johnny “ay ganun ba? Sayang naman, nandito kasi ako sa may makati”, sagot ni Jenny “pasensya ka na, wala din kasi akong pamasahe di naman ako basta makaalis”. Ang dami nilang napag kwentuhan, nag aminan sila kung kelan nila nagging crush ang isa’t isa hanggang nakarating ang kwentuhan nila sa future nila kung ano ba ung gusto nilang maachive pati na rin sa pag papamilya. Laging nag memessage si Johnny noon, ang madalas na message nya ay “Hello, good morning. Kumain ka na ba?’’, “kamusta ang araw mo?”, “I miss you”, “Miss na miss n akita, kelan kaya tayo magkikita ule?” minsan ay tatawag pa ito para kantahan si Jenny. Kilig na kilig si Jenny noon. Ilang buwan silang magkachat kala mo eh sila na talaga. Di naman kasi nagtatanong si Johnny kung sinasagot na ba sya ni Jenny hanggang sa makasakay na sya sa barko.

Lumipas na ang mga araw, buwan at taon, di na nagpaparamdam si Johnny. Nag memessage lang si Jenny na “ Hello kamusta ka na? ingat ka lagi kung saan ka man ngayon. Wag ka mag papalipas ng gutom.”. Nang tumagal naging busy na si Jenny at parang nagkalimutan na sila ni Johnny dahil di na ito nagparamdam. May mga manliligaw naman si Jenny pero di nya sinagot dahil umaasa sya na baka inaantay rin sya ni Johnny.

Malapit na ang graduation, nabigla si Jenny ng makatanggap sya ng chat. Si Johnny nag message, nangamusta lang. parang nag iba na ung way ng pag memessage nya di na tulad ng dati na napaka sweet. Naging tuloy tuloy ule ang pag uusap nila nang matanong ni Johnny kung may boyfriend na ba sya, sabi lang nya ay “wala pa”, sabi lang ni Johnny na “wala bang nanliligaw sayo dyan”, sagot nya “meron naman kaya lang priority ko pa mag aral” nakaramdam ng lungkot si Jenny dahil parang nakalimutan na nito ung sinabi na hintayin sya. Makalipas ang ilang araw ay di na naman nagparamdam si Johnny at nakita nalang nya na nag post ito sa picture ng magandang babae na ngayon ay fiancé nya na. Naiyak nalang si Jenny dahil akala nya na ung taong minahal nya na ay mahal pa rin hanggang ngayon. Lumipas ang dalawang taon, nabalitaan nalang ni Jenny na kinasal na pala si Johnny kaya binati nya na lang ito ng congratulations kahit labas sa ilong.

 

Akala mo happy ending noh? 

Akala ko rin eh, eto ung kwento na nag antay at umasa sa wala. Yung crush ka ng Crush mo pero di pala kayo nakatadhana. Sana matagpuan din ni Jenny ung taong nakatadhana talaga kanya.

Comments

Popular posts from this blog

Malikmata

  Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.

Fiesta Sa Purok

  Fiesta sa Purok namin noon sa probinsya, masaya ung mga kabitbahay at bawat bahay may mga handa. Tuwing fiesta sa purok namin nagtitipon lahat ng mga tao at nagbabahagi ng handa. Nung nandun na kami sa lugar ng handaan nakalimutan namin magdala ng mga plato kaya inutusan ako ni mama, masaya ang mga kapitbahay at may padisco pa sila. Di naman ganon kalayo ung bahay namin sa lugar ng kasiyahan pero madilim kasi at nataon na wala akong dala na flashlight. Mapuno ung lugar namin kaya medyo nakakatakot din. Sa paglalakad ko, nahagip ng tingin ko ung isang babae na nakatayo sa gilid ng puno.  Naisip ko na baka may inaantay lang sya, nilingon ko sya nakita ko na nakabistida sya sobrang puti at ang haba ng buhok nya. Bigla akong natulala ng makita ko na wala syang paa at mukha. Napalakad ako pabalik sa pinanggalingan ko, kunwaring walang nangyari. Ayun! Napagalitan lang ako ni mama ng makita nya na wala akong dala, di ko na kinuwento ung nakita ko. Sinabi ko nalang na sobrang dil...

Kandila

Ibahagi ko lang ito, kwento ng aking ama nung kabataan nya pa… Tuwing mag uundas, uso ang mga takutan at pagsusuot ng mga nakakatakot na kasuotan na impluwensya ng mga banyaga noong nasakop ang ating bansa na naging tradisyon na tuwing sasapit ang undas. May mga kompetisyon ng mga nakakatakot na kasuotan mula sa mga bata hanggang sa matatanda, pati mga palabas na nakakatakot at marami pang iba. Kwento ng Ama ko noong kabataan nya sa probinsya, meron daw syang pinsan na matalik nya ring kaibigan. Lagi silang magkasama lalo na sa mga kalokohan. Tuwing sasapit ang undas, di mawawala ung pananakot nila sa mga kabaryo nila, syempre di lang naman sila ung mahilig manakot roon. Sa isang mahabang kalsada na napapaligiran ng mga palayan at mga punong kahoy doon nila ginagawa ang pananakot. Naghahanda sila ng mga kandila at bao ng niyog na kinokortihan nila ng mata. Kapag sumapit na ang gabi mag aabang na sila ng mapapadaan doon at kung may matatanaw silang dadaan ay sinisindihan nila ang ...