Skip to main content

Malikmata

  Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.

Sa Bahay ni Auntie Part 1


College ako noon at nakitira ako sa tyahin ko na kapatid ni mama. Habang nakatira ako sa tyahin ko tumutulong ako sa pagtitinda sa sari-sari store nya. Marami akong karanasan doon na di ko malilimutan, ung iba masasaya, meron din nakakalungkot, nakakainis at ung di ko malilimutan ay ung mga bagay na naranasan ko na nakakapanindig balahibo. Di ko alam kung nakakatakot ba ito para sa ibang tao pero i-share ko nalang at kayo na ang humusga.

Ung una kong karanasan na nakakatakot ay noong isang beses na naiwan ako mag isa ng isang lingo sa bahay ng tyahin ko dahil nagbakasyon sya probinsya at di naman ako nakasama kasi may klase pa ako noon. Ung unang gabi ko doo na mag-isa ay natulog ako sa katre, medyo kinikilabutan ako pero di ko alam kung bakit. Pinatay ko na ung ilaw tapos pahiga ko ay humarap ako sa pader. Iba talaga ung pakiramdam ko, natayo ung mga balahibo ko at di ako makagalaw. Gusto ko sana humarap naman sa kabilang side ng higaan kasi parang nangangalay na braso ko pero parang naramdaman ko na may katabi ako. Gusto ko sana lingunin pero mas nangingibabaw ung kilabot na nararamdaman ko. Pinilit ko na matulog at sa di kalaunan ay nakatulog naman ako tapos bigla akong nagising kasi may naramdaman ako na parang pay humampas sakin. Napabalikwas ako ng bangon at napatalon sa higaan. Inabot ko ung switch ng ilaw, nung nag liwanag na ung ilaw napatingin ako sa orasan. Eksaktong alas dose na ng gabi, nakaramdam nanaman ako ng pangingilabot kaya di ko na pinatay ung ilaw. Antok na antok na ko pero pinipigilan ko na wag matulog dahil sa takot ko. At nung sumunod na gabi, nagising ule ako ng alas dose ng gabi dahil nakaramdam ako na may bumatok naman sakin kaya nung sumunod na mga gabi inaantay ko muna na lumipas ang alas dose ng gabi bago ako matulog. Nung makabalik na tyahin ko, di ko na kinuwento kasi di naman sya naniniwala sa mga multo saka di pa sya nakaranas kahit sya lang mag isa sa bahay nya.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Babae sa CR

1st year college kami noon, at unang linggo palang ng klase. Wala pa ung professor namin kaya naisipan namin na mag cr muna ng kaibigan ko, alas sais na ng gabi nun. madilim na at ung klase namin ay nasa 4th floor old bldg pa. may cr naman kada floor kaya okay lang dahil malapit lang din sa room namin. habang naglalakad kami ng kaibigan ko sa coridor, bigla nalang may isang babaeng student na tumakbo sa pagitan namin. ang lakas ng lakas ng pagkakabangga nya samin, napahampas ako sa pader buti nalang tapos ung kaibigan ko muntik ng madapa. sinundan namin ng tingin ung babae, pumasok sya sa cr tapos padabog nyang sinara ung pinto. nainis kaming dalawa ng kaibigan ko kasi di naman nag sorry, iniwan nya lang kami. Tapos naglakad na kami papunta sa cr, binuksan ko ung pinto at nauna akong pumasok tapos sumunod din ung kaibigan ko. Napatingin ako sa salamin, nakita ko na bukas naman ung mga pinto sa cubicle. Naisipan ko na silipin isa-isa baka nagtago lang ung babae na bumangga samin. Medyo ...

Fiesta Sa Purok

  Fiesta sa Purok namin noon sa probinsya, masaya ung mga kabitbahay at bawat bahay may mga handa. Tuwing fiesta sa purok namin nagtitipon lahat ng mga tao at nagbabahagi ng handa. Nung nandun na kami sa lugar ng handaan nakalimutan namin magdala ng mga plato kaya inutusan ako ni mama, masaya ang mga kapitbahay at may padisco pa sila. Di naman ganon kalayo ung bahay namin sa lugar ng kasiyahan pero madilim kasi at nataon na wala akong dala na flashlight. Mapuno ung lugar namin kaya medyo nakakatakot din. Sa paglalakad ko, nahagip ng tingin ko ung isang babae na nakatayo sa gilid ng puno.  Naisip ko na baka may inaantay lang sya, nilingon ko sya nakita ko na nakabistida sya sobrang puti at ang haba ng buhok nya. Bigla akong natulala ng makita ko na wala syang paa at mukha. Napalakad ako pabalik sa pinanggalingan ko, kunwaring walang nangyari. Ayun! Napagalitan lang ako ni mama ng makita nya na wala akong dala, di ko na kinuwento ung nakita ko. Sinabi ko nalang na sobrang dil...

Flower base ni Teacher

  Grade 6 ako noon at malapit na ang graduation day, wala na ganong klase dahil busy ang mga teacher sa pag aasikaso ng graduation kaya pinababayaan na kami na maglaro at makipagkwentuhan.I sang hapon mga alas tres na yata noon di pa nag start ung practice ng graduation, nakatayo kami ng kaklase ko sa gilid ng pisara dun kasi nakapwesto ung cr. Habang nag aantay kami na lumabas sa cr ung isa namin kaklase may nakita akong batang lalaki na tumakbo papunta sa table ng teacher namin tapos hinulog nya ung flower base saka tumakbo ule palabas. Nagulat lang kami, lalo   ung teacher namin na nakaupo sa gilid ng table tapos ung isa namin classmate biglang tumakbo. Nasabi ko nalang, "ang bilis tumakbo nung bata" napatingin ung isa kong classmate nasabi nya nalang "nakita mo rin un". Nagtaka ung teacher namin,   wala naman daw bata na tumakbo kusa lang nalaglag ung flower base baka sa lakas lang ng hangin...