Sa panahon ngayon minsan maiisip mo nalang na buti pa nung bata pa ko, wala pa
akong gaanong iniintindi. Dun lang tayo nastress sa pagpapatulog satin ng
magulang natin tuwing tanghali kasi di tayo makapaglaro kasama ung mga kaibigan
natin. Wala tayo gano iniintindi noon, di tulad ngayon. Mapapamuni muni ka
nalang.
Bigla ko tuloy naalala, elementary pa ko noon at walang
pasok kasi weekend. Nagpunta sa bahay ung mga kalaro namin, nanonood kami ng
movie Ung spirit of the glass kasama ung kapitbahay namin. Syempre nakakatakot
ung palabas kaya kanya kanya kaming sigaw at tago sa mga likod ng katabi namin
may kasama pang hatakan ng damit at braso Haha nakakatawa lang isipin pero natapos rin naman namin ung palabas. Pagtapos
nun, syempre bata gaya gaya. Nag sulat kami sa papel ng mga letra at numero
tulad sa Ouija board.
Ayun na, kumuha kami
ng baso at ginaya namin ung sa palabas. Wala naman nangyari, di naman gumalaw
ung baso kaya sinubukan naman namin ung piso para maging spirit of the coins
pero wala pa rin nangyari. Naglaro nalang kami ng teks, mas masaya pa. Nauhaw
ako noon kaya pumunta muna sa kusina
para uminom ng tubig. Pagbalik ko sa sala napatingin ako sa bintana, nakita ko ung isa naming
kababata na nakadungaw lang tapos
tumingin lang sya sakin. Sabi ko lang sa kanya bakit lumabas sya pero di naman
sya nagsasalita bigla nalang sya
tumakbo kaya tumakbo din ako para habulin sya, sinigaw ko pa pangalan nyang
Utoy. Pero paglabas ko ng bahay wala na sya aga. Looban kasi ung
tinitirahan namin na apartment kaya
matatanaw mo kung may tao ba na palabas.
Nagtaka lang ako, parang ilang segundo lang nawala sya agad
kaya bumalik nalang ako sa loob.
Nagkukumpulan ung mga kalaro namin tapos nagulat ako biglang
tumayo si Utoy, bigla akong kinilabutan ng lumapit sya sakin parang naputulan
ako ng dila at di ako makapagsalita...
Comments
Post a Comment