Taong 2021, sa previous company ko. Di ko alam kung namamalikmata lang ako nung time na yon. Nasa office kami nun, hapon na mga around 3pm or 4pm na yata nun. Pag ganong oras nilalock na ung isang pinto sa office na malapit sa cr, pag nasara na kelangan mo pa umikot at dumaan sa reception bago makalabas at makapunta sa cr. Ayun na nga, naglalakad ako pabalik na sa pwesto ko. Habang naglalakad nakita ko ung manager namin na lumabas sa conference room at tumayo doon. Ako naman derecho lang sa paglalakad, naglinga linga ako para makita kung sino ung mga pumasok tapos nung malapit nako sa pwesto ko nakita ko ung manager namin na nakaupo lang dun.. nagkurap kurap ako ng mata pero nandun talaga sya at di sya nag punta sa conference room.
Sa panahon ngayon minsan maiisip mo nalang na buti pa nung bata pa ko, wala pa akong gaanong iniintindi. Dun lang tayo nastress sa pagpapatulog satin ng magulang natin tuwing tanghali kasi di tayo makapaglaro kasama ung mga kaibigan natin. Wala tayo gano iniintindi noon, di tulad ngayon. Mapapamuni muni ka nalang. Bigla ko tuloy naalala, elementary pa ko noon at walang pasok kasi weekend. Nagpunta sa bahay ung mga kalaro namin, nanonood kami ng movie Ung spirit of the glass kasama ung kapitbahay namin. Syempre nakakatakot ung palabas kaya kanya kanya kaming sigaw at tago sa mga likod ng katabi namin may kasama pang hatakan ng damit at braso Haha nakakatawa lang isipin pero natapos rin naman namin ung palabas. Pagtapos nun, syempre bata gaya gaya. Nag sulat kami sa papel ng mga letra at numero tulad sa Ouija board. Ayun na, kumuha kami ng baso at ginaya namin ung sa palabas. Wala naman nangyari, di naman gumalaw ung baso kaya sinubukan naman namin ung piso...